Martes, ika-13 ng Oktubre 2009
Aking inaanyayahan ang mga may malasakit na mambabasa at bisita ng "Silip..." na makibahagi sa Climate Action Festival.kailan: Ika-24 ng Oktubre 2009 -- ang Global Day of Climate Action (1:30pm onwards)saan: Picnic Pavilions, Quezon City Memorial Circle magkano: Libre... mangyari lamang na huwag nang maghangad na magpakalango sa alak sapagkat ang naturang pagtitipon ay no-smoking, no-drinking, zero-waste ecological festival... magdala ng sari-sariling malinis na tubig inumin, utensils at vegetarian food na pagsasalu-saluhan. anong mayroon: Art and photo exhibit, workshops, film screenings, discussions, vegetarian potluck, at tugtugan.
Kung may oras ang mga indibidwal na tumanga at tumimawa sa harap ng telebisyon upang usisain ang walang kakwenta-kwentang mga pinaggagagawa ng housemates ng luko-lukong si kuya, malamang ay may oras ang mga indibidwal sa mas mabibigat na mga bagay gaya ng climate action festival na ito. Huwag magpakabobo. Tumugon sa panawagan. Kumilos... labanan ang climate change.
Good deeds beget good karma... kung aalagaan natin ang Earth, aalagaan din tayo nito bilang ganti. Bisitahin ang link na ito para sa karagdagang impormasyon. ---------------------------------------------------------------------------------------------Sanggunian:
350
350 Asia violetauthoress.13Oktubre09